Saturday, March 31, 2018

Paano Maiwasan ang Pagkamalimutin

Nakawala ka na ba ng Susi?

Si Kalimot ka rin ba? Ako kasi oo.
Ang hirap ng ganito, Sa una, sabi ko normal lang may kaligtaan minsan.
kaso  minsan seryosong aksidente na ang nangyari dahil sa makalimutin ako. parang may mali sa akin. nais kong mabago yun. dahil maraming napapahamak, di lang ako. may time na umiyak ako ng walang luha. ako rin ang nahihirapan

20+ anyos na ko ng tinanggap ko na grabe na pagkamalimutin ko. bata pa para maging malimutin. nais ko itong mabago kaya naghanap ako sa internet ng mga payo para maiwasan ang forgetfullness ng isang tao. narito po. basa.

Maging Organize.
Ginagawa ko naman ito, kahit paano ay malaking tulong. pag may hinanap sila sa akin. alam ko kung saan ko hahanapin. kung wala ibig sabihin wala.
May time nga na mas alam ko kung nasaan ang gamit o files na na misplace ng ka trabaho ko. para kang superhero niyan. pogi points.

Gumamit ng papel
Ihampas ang diyaro sa ulo tuwing magkakamli. acheche!
joke lang. ilista ang mga bagay-bagay. wag pwersahin ang utak na kabisaduhin ang bagay na pwede namang ilista na lang.  halimbawa sa pamamalengke. gumawa ng listahan wag kalimutang mamalengke.

Iwas sa Stress.
Maglibang o makisocialized. tumugtog o makinig ng musika. maglaro, etc. sa madaling salita maging chill at wag padaig sa problema. baka kasi sinasakop na ni problema yung memory mo.

Maglaro ng Brain Games.
Hasain ang utak para masanay mag memorize. pero wag pahirapan. mamili lang ng nakakaenjoy na laruin.

Pagkaing Masustansiya
kumain ng Mani
Coconu oil, Oily Fishes,
Itlog.
Kumain ng berries gaya ng strawberrie,
for more info, better to ask the expert. visit their site
:https://www.mindbodygreen.com/0-7937/feeling-forgetful-top-10-foods-to-improve-your-memory.html
https://www.braintraining101.com/five-fun-foods-that-can-increase-your-brain-power/

Matulog ng sapat.
7-9 hours na pagtulog. para makapagpahinga ang utak.

Practice Focus
Maging focus at makinig ng maiigi pag may kausap. kiss mo siya pagkatapos. joke lang, hug mo lang.

Iwasan Ang Sigarilyo.
Umiwas sa bisyo na nakakasira ng katawan pati ng utak. tipid pa.

Misplace
Kung ikaw naman si Mr. Misplace. Dont worry marami kayo. Sa pagmamasid ko inalam ko yung mga bagay na madalas mawala. ballpen, susi, flash drive, payong, panyo, remote control etc.
ito yung mga bagay na madalas hiraman o maliliit.
expect mo nang mawawala iyan. kaya bago pa mabaon sa limot. unahan na.
bisitahin yung blog ni B3n 2lfowh
http://isumbongmo.blogspot.com/2011/08/mga-bagay-na-madalas-na-mawala.html
nakasulat don yung mga pwede gawing  solusyon o tips para di mawala yung isang bagay.

Iyan lamang po at salamat, sana ay nakatulong ito. salamat sa mga nakuhaan ko ng impormasyon.
hindi ko na sinama rito yung personal kong  suhestiyon na magdala ng camera para pwede mong i-playback yung pangyayari. pwede rin kaso para kang secret agent na hindi secret.  para kang robot, spy o media. basta masagwa.
salamat uli sa pagbasa. 'wag po sanang kalimutang magcomment kung meron lang naman.
credits:
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/healthy-aging/in-depth/memory-loss/art-20046518
https://www.scotthyoung.com/blog/2007/05/19/seven-tricks-to-stop-forgetfulness/
https://masiglangsijuan.wordpress.com/2015/12/06/paano-maiiwasan-ang-pagiging-makakalimutin/

No comments:

Post a Comment

Paano Maiwasan ang Pagkamalimutin

Nakawala ka na ba ng Susi? Si Kalimot ka rin ba? Ako kasi oo. Ang hirap ng ganito, Sa una, sabi ko normal lang may kaligtaan minsan. ...