Saturday, March 31, 2018

Paano Maiwasan ang Pagkamalimutin

Nakawala ka na ba ng Susi?

Si Kalimot ka rin ba? Ako kasi oo.
Ang hirap ng ganito, Sa una, sabi ko normal lang may kaligtaan minsan.
kaso  minsan seryosong aksidente na ang nangyari dahil sa makalimutin ako. parang may mali sa akin. nais kong mabago yun. dahil maraming napapahamak, di lang ako. may time na umiyak ako ng walang luha. ako rin ang nahihirapan

20+ anyos na ko ng tinanggap ko na grabe na pagkamalimutin ko. bata pa para maging malimutin. nais ko itong mabago kaya naghanap ako sa internet ng mga payo para maiwasan ang forgetfullness ng isang tao. narito po. basa.

Maging Organize.
Ginagawa ko naman ito, kahit paano ay malaking tulong. pag may hinanap sila sa akin. alam ko kung saan ko hahanapin. kung wala ibig sabihin wala.
May time nga na mas alam ko kung nasaan ang gamit o files na na misplace ng ka trabaho ko. para kang superhero niyan. pogi points.

Gumamit ng papel
Ihampas ang diyaro sa ulo tuwing magkakamli. acheche!
joke lang. ilista ang mga bagay-bagay. wag pwersahin ang utak na kabisaduhin ang bagay na pwede namang ilista na lang.  halimbawa sa pamamalengke. gumawa ng listahan wag kalimutang mamalengke.

Iwas sa Stress.
Maglibang o makisocialized. tumugtog o makinig ng musika. maglaro, etc. sa madaling salita maging chill at wag padaig sa problema. baka kasi sinasakop na ni problema yung memory mo.

Maglaro ng Brain Games.
Hasain ang utak para masanay mag memorize. pero wag pahirapan. mamili lang ng nakakaenjoy na laruin.

Pagkaing Masustansiya
kumain ng Mani
Coconu oil, Oily Fishes,
Itlog.
Kumain ng berries gaya ng strawberrie,
for more info, better to ask the expert. visit their site
:https://www.mindbodygreen.com/0-7937/feeling-forgetful-top-10-foods-to-improve-your-memory.html
https://www.braintraining101.com/five-fun-foods-that-can-increase-your-brain-power/

Matulog ng sapat.
7-9 hours na pagtulog. para makapagpahinga ang utak.

Practice Focus
Maging focus at makinig ng maiigi pag may kausap. kiss mo siya pagkatapos. joke lang, hug mo lang.

Iwasan Ang Sigarilyo.
Umiwas sa bisyo na nakakasira ng katawan pati ng utak. tipid pa.

Misplace
Kung ikaw naman si Mr. Misplace. Dont worry marami kayo. Sa pagmamasid ko inalam ko yung mga bagay na madalas mawala. ballpen, susi, flash drive, payong, panyo, remote control etc.
ito yung mga bagay na madalas hiraman o maliliit.
expect mo nang mawawala iyan. kaya bago pa mabaon sa limot. unahan na.
bisitahin yung blog ni B3n 2lfowh
http://isumbongmo.blogspot.com/2011/08/mga-bagay-na-madalas-na-mawala.html
nakasulat don yung mga pwede gawing  solusyon o tips para di mawala yung isang bagay.

Iyan lamang po at salamat, sana ay nakatulong ito. salamat sa mga nakuhaan ko ng impormasyon.
hindi ko na sinama rito yung personal kong  suhestiyon na magdala ng camera para pwede mong i-playback yung pangyayari. pwede rin kaso para kang secret agent na hindi secret.  para kang robot, spy o media. basta masagwa.
salamat uli sa pagbasa. 'wag po sanang kalimutang magcomment kung meron lang naman.
credits:
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/healthy-aging/in-depth/memory-loss/art-20046518
https://www.scotthyoung.com/blog/2007/05/19/seven-tricks-to-stop-forgetfulness/
https://masiglangsijuan.wordpress.com/2015/12/06/paano-maiiwasan-ang-pagiging-makakalimutin/

Friday, March 30, 2018

Ano ang Gagawin kung Nakabuntis Ka?

 galing dito ang larawan----http://www.slate.com
Halimbawa:
*Ikaw ay nagaaral pa at malaki ang ekpekstasyon ang nakaatang sa'yo.
*May lihim kang karelasyon.
*Napakabata mo pa.
*Pamilyado ka na etc.
at nakabuntis ka sa tingin moy di tamang panahon o tamang pagkakataon.
Ano ang Gagawin mo?

Narito ka ngayon dahil humihingi ka ng kasagutan o payo.
sa aking pag mamasid. ito ang pinakapeymus.

1. Normal lang na maguluhan ka. magpakatatag ka lang. panagutan mo. buong tapang at tiwala sa Diyos. Sa huli ngingiti ka ng pinakamatamis pag nakarga mo na ang sanggol. ikaw siya at siya ay  sayo. #igot this.

2.  Imbes na isiping problema. ituring itong isang inspirasyon.
Alam kong di ko alam ang buong kwento ng buhay mo. Do your best and God will do the rest.

3. Di lang ikaw ang may ganyang suliranin. humanap ng mga taong may ganyang kwento sa internet o sa labas. matutuklasan mong sila ang mga taong masaya at proud pag katapos nilang malagpasan ang lahat.

4. Walang kasalanan ang bata. gawin mo ang lahat upang mabuhay siya para masaya.

5.  Umiwas sa bisyo na lalong hihila sayo pababa. Kumain ng mari biscuit.

6. Makinig ng musika. recommendado ko sayo ang "Dobe dobe dapdap ni kuya Wil".

7. Matulog ng sapat. wag sobra. Chill ka lang. Maghanap ng trabaho o magtrabaho ng maayos. kumilos at humanap ng pambayad sa ospital. kahit na mahirap wag kalimutang ngumiti.
Magbasa ng Joke. Laughter is the best medicine. mahalin mo rin ang sarili mo.

8. Kung ikaw ay babae at di ka pinanagutan. Kung maganda ka. Single ako. joke.
Ibuhos ang pagmamahal sa taong karapatdapat. surewin ka kung itutuon ang oras mo para sa anak.

9. Wag kalimutang mangarap. ituloy ang pag-aaral. maraming ganyang istorya na kahit nga yung iba na may edad na ay nagtuloy paring pumasok, sabi nga sa isang "spoken poetry ads" ng "bearbrand".
"magsikap, Tuparin.
at kahit ilang ulit mang iparamadam ng mundo na mahirap ang lahat para sa'yo... mangarap ka parin."

10. Humanap pa ng ibang payo mas matino sa payo ko. yan lang kasi ang karanasan na napansin ko sa bestfriend ko at mga close relative, close friends, close cousins. close neighbours, closest barangays. close peers, close colleagues, close friendster friend, close friend sa facebook, close follower, close workmates, close subscribers, close clients, close customers, close enemies, close rivals, pati close fans ko, close readers, close supporter, close allies, close critics, close haters and bashers, close-up, close driver kahit wala, close gym instructor kahit wala rin, close friend ( inulit ko kasi sobrang close namin talaga), close mentor, close teacher, close classmate, close stranger, close passenger, close chatmate, close celebrities, closest things, closest places, lot of closest

Paano Maiwasan ang Pagkamalimutin

Nakawala ka na ba ng Susi? Si Kalimot ka rin ba? Ako kasi oo. Ang hirap ng ganito, Sa una, sabi ko normal lang may kaligtaan minsan. ...